Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 49:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang setro ay hindi lilihis mula kay Juda,+ ni ang baston ng kumandante mula sa pagitan ng kaniyang mga paa, hanggang sa dumating ang Shilo;+ at sa kaniya mauukol ang pagkamasunurin ng mga bayan.+

  • Daniel 9:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 “May pitumpung sanlinggo na itinalaga sa iyong bayan+ at sa iyong banal na lunsod,+ upang wakasan ang pagsalansang,+ at upang tapusin ang kasalanan,+ at upang magbayad-sala para sa kamalian,+ at upang magdala ng katuwiran sa mga panahong walang takda,+ at upang magtimbre ng tatak+ sa pangitain at propeta, at upang pahiran ang Banal ng Mga Banal.+

  • Malakias 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Narito! Isinusugo ko ang aking mensahero,+ at hahawanin niya ang daan sa harap ko.+ At biglang darating sa Kaniyang templo+ ang tunay na Panginoon,+ na hinahanap ninyo, at ang mensahero+ ng tipan+ na siyang kinalulugdan ninyo.+ Narito! Siya ay tiyak na darating,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.+

  • Mateo 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ako, sa ganang akin, ay nagbabautismo sa inyo sa tubig+ dahil sa inyong pagsisisi;+ ngunit ang isa na dumarating+ na kasunod ko ay mas malakas kaysa sa akin, na sa kaniyang mga sandalyas ay hindi ako nararapat mag-alis.+ Babautismuhan kayo ng isang iyon sa banal na espiritu+ at sa apoy.+

  • Juan 1:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 (Si Juan ay nagpatotoo tungkol sa kaniya, oo, sumigaw pa nga siya—ito ang siyang nagsabi nito—na sinasabi: “Ang isa na dumarating sa likuran ko ay nauna na sa harap ko, sapagkat umiral siya bago pa ako.”)+

  • Juan 7:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Gayunpaman, marami sa pulutong ang nanampalataya sa kaniya;+ at nagsimula silang magsabi: “Kapag dumating ang Kristo, hindi siya gagawa ng higit pang mga tanda+ kaysa sa ginawa ng taong ito, hindi ba?”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share