Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Daniel 7:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At sa kaniya ay may ibinigay na pamamahala+ at dangal+ at kaharian,+ upang ang lahat ng mga bayan, mga liping pambansa at mga wika ay maglingkod sa kaniya.+ Ang kaniyang pamamahala ay isang pamamahalang namamalagi nang walang takda na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.+

  • Mateo 20:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Sinabi niya sa kaniya: “Ano ang nais mo?” Sinabi niya sa kaniya: “Sabihin mo na ang aking dalawang anak na ito ay makaupo, ang isa sa iyong kanan at ang isa sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian.”+

  • Mateo 25:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 “Kapag ang Anak ng tao+ ay dumating sa kaniyang kaluwalhatian, at ang lahat ng mga anghel na kasama niya,+ kung magkagayon ay uupo siya sa kaniyang maluwalhating trono.+

  • Lucas 18:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Sinabi niya sa kanila: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang sinumang nag-iwan ng bahay o asawang babae o mga kapatid o mga magulang o mga anak alang-alang sa kaharian ng Diyos+

  • Lucas 22:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 upang kayo ay makakain+ at makainom sa aking mesa sa kaharian ko,+ at makaupo sa mga trono+ upang humatol sa labindalawang tribo ng Israel.

  • 1 Corinto 6:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 O hindi ba ninyo alam na ang mga banal ang hahatol+ sa sanlibutan?+ At kung hahatulan ninyo ang sanlibutan, hindi ba kayo karapat-dapat na lumitis sa napakaliliit+ na mga bagay?

  • Apocalipsis 20:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At nakakita ako ng mga trono,+ at may mga nakaupo sa mga iyon, at binigyan sila ng kapangyarihang humatol.+ Oo, nakita ko ang mga kaluluwa niyaong mga pinatay sa pamamagitan ng palakol dahil sa patotoo na kanilang ibinigay tungkol kay Jesus at dahil sa pagsasalita tungkol sa Diyos, at yaong mga hindi sumamba sa mabangis na hayop+ ni sa larawan+ man nito at hindi tumanggap ng marka sa kanilang noo at sa kanilang kamay.+ At sila ay nabuhay at namahala bilang mga hari+ na kasama ng Kristo sa loob ng isang libong taon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share