Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 7:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kaya bibigyan kayo ni Jehova ng isang tanda: Narito! Ang dalaga+ mismo ay magdadalang-tao nga,+ at magsisilang siya ng isang anak na lalaki,+ at tatawagin nga niyang Emmanuel ang pangalan nito.

  • Isaias 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sapagkat isang bata ang ipinanganak sa atin,+ isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin;+ at ang pamamahala bilang prinsipe ay maaatang sa kaniyang balikat.+ At ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo,+ Makapangyarihang Diyos,+ Walang-hanggang Ama,+ Prinsipe ng Kapayapaan.+

  • Jeremias 23:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Narito! Dumarating ang mga araw,” ang sabi ni Jehova, “at magbabangon ako para kay David ng isang sibol na matuwid.+ At isang hari ang tiyak na maghahari+ at kikilos nang may katalinuhan at maglalapat ng katarungan at katuwiran sa lupain.+

  • Ezekiel 34:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 At magbabangon ako sa kanila ng isang pastol,+ at pakakainin niya sila, ang aking lingkod nga na si David.+ Siya mismo ang magpapakain sa kanila, at siya mismo ang magiging kanilang pastol.+

  • Daniel 9:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 “May pitumpung sanlinggo na itinalaga sa iyong bayan+ at sa iyong banal na lunsod,+ upang wakasan ang pagsalansang,+ at upang tapusin ang kasalanan,+ at upang magbayad-sala para sa kamalian,+ at upang magdala ng katuwiran sa mga panahong walang takda,+ at upang magtimbre ng tatak+ sa pangitain at propeta, at upang pahiran ang Banal ng Mga Banal.+

  • Mikas 5:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “At ikaw, O Betlehem Eprata,+ na napakaliit upang mapabilang sa libu-libo ng Juda,+ mula sa iyo+ ay lalabas para sa akin ang isa na magiging tagapamahala sa Israel,+ na ang pinanggalingan ay mula noong unang mga panahon, mula nang mga araw ng panahong walang takda.+

  • Malakias 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Narito! Isinusugo ko ang aking mensahero,+ at hahawanin niya ang daan sa harap ko.+ At biglang darating sa Kaniyang templo+ ang tunay na Panginoon,+ na hinahanap ninyo, at ang mensahero+ ng tipan+ na siyang kinalulugdan ninyo.+ Narito! Siya ay tiyak na darating,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.+

  • Juan 1:45
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 45 Nasumpungan ni Felipe si Natanael+ at sinabi sa kaniya: “Nasumpungan na namin ang isa na isinulat ni Moises, sa Kautusan,+ at ng mga Propeta,+ si Jesus, na anak ni Jose,+ na mula sa Nazaret.”

  • Gawa 10:43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 43 Tungkol sa kaniya ay nagpapatotoo ang lahat ng mga propeta,+ upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.”+

  • Gawa 26:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Gayunman, sapagkat natamo ko ang tulong+ na nagmumula sa Diyos ay nagpapatuloy ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo kapuwa sa maliliit at sa malalaki, ngunit walang anumang sinasabi maliban sa mga bagay na ipinahayag ng mga Propeta+ at gayundin ni Moises+ na magaganap,

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share