Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sapagkat isang bata ang ipinanganak sa atin,+ isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin;+ at ang pamamahala bilang prinsipe ay maaatang sa kaniyang balikat.+ At ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo,+ Makapangyarihang Diyos,+ Walang-hanggang Ama,+ Prinsipe ng Kapayapaan.+

  • Jeremias 23:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Narito! Dumarating ang mga araw,” ang sabi ni Jehova, “at magbabangon ako para kay David ng isang sibol na matuwid.+ At isang hari ang tiyak na maghahari+ at kikilos nang may katalinuhan at maglalapat ng katarungan at katuwiran sa lupain.+

  • Jeremias 33:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon ay pasisibulin ko para kay David ang isang sibol na matuwid,+ at tiyak na maglalapat siya ng katarungan at katuwiran sa lupain.+

  • Ezekiel 34:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 At magbabangon ako sa kanila ng isang pastol,+ at pakakainin niya sila, ang aking lingkod nga na si David.+ Siya mismo ang magpapakain sa kanila, at siya mismo ang magiging kanilang pastol.+

  • Mikas 5:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “At ikaw, O Betlehem Eprata,+ na napakaliit upang mapabilang sa libu-libo ng Juda,+ mula sa iyo+ ay lalabas para sa akin ang isa na magiging tagapamahala sa Israel,+ na ang pinanggalingan ay mula noong unang mga panahon, mula nang mga araw ng panahong walang takda.+

  • Malakias 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Narito! Isinusugo ko ang aking mensahero,+ at hahawanin niya ang daan sa harap ko.+ At biglang darating sa Kaniyang templo+ ang tunay na Panginoon,+ na hinahanap ninyo, at ang mensahero+ ng tipan+ na siyang kinalulugdan ninyo.+ Narito! Siya ay tiyak na darating,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.+

  • Lucas 24:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 At pasimula kay Moises+ at sa lahat ng mga Propeta+ ay binigyang-kahulugan niya sa kanila ang mga bagay na may kinalaman sa kaniyang sarili sa lahat ng Kasulatan.

  • Lucas 24:44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 44 Sinabi niya ngayon sa kanila: “Ito ang aking mga salita na sinalita ko sa inyo noong ako ay kasama pa ninyo,+ na kailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nakasulat sa kautusan ni Moises at sa mga Propeta+ at Mga Awit+ tungkol sa akin.”

  • Roma 3:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Ngunit ngayon hiwalay sa kautusan ay inihayag ang katuwiran ng Diyos,+ kung paanong pinatototohanan+ ito ng Kautusan+ at ng mga Propeta;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share