31 At ibibigay ko nga sa tabak ang inyong mga lunsod+ at ititiwangwang ko ang inyong mga santuwaryo,+ at hindi ko sasamyuin ang inyong mga nakagiginhawang amoy.+
7 lilipulin ko rin ang Israel mula sa ibabaw ng lupain na ibinigay ko sa kanila;+ at ang bahay na pinabanal ko sa aking pangalan ay itatapon ko mula sa harap ko,+ at ang Israel ay tunay ngang magiging isang kasabihan+ at isang kakutyaan sa gitna ng lahat ng mga bayan.
7 Ang inyong lupain ay tiwangwang,+ ang inyong mga lunsod ay sunóg sa apoy;+ ang inyong lupa—mismong sa harap ninyo ay nilalamon ito ng mga taga-ibang bayan,+ at ang pagkatiwangwang ay gaya ng paggiba ng mga taga-ibang bayan.+
5 “ ‘Ngunit kung hindi ninyo susundin ang mga salitang ito, sa aking sarili ay sumusumpa ako,’+ ang sabi ni Jehova, ‘na ang bahay na ito ay magiging isang wasak na dako.’+
12 Kaya dahil sa inyo ang Sion ay aararuhing gaya lamang ng isang bukid, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton lamang ng mga guho,+ at ang bundok ng bahay ay magiging gaya ng matataas na dako ng kagubatan.