Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 12:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 kundi ang dakong pipiliin ni Jehova na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga tribo upang doon ilagay ang kaniyang pangalan, upang patahanin iyon, ay hahanapin ninyo, at doon ka pumaroon.+

  • 1 Hari 9:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At si Jehova ay nagsabi sa kaniya: “Narinig ko ang iyong panalangin+ at ang iyong paghiling ng lingap na iyong inihiling ng lingap sa harap ko. Pinabanal+ ko ang bahay na ito na iyong itinayo sa pamamagitan ng paglalagay ng aking pangalan+ doon hanggang sa panahong walang takda; at ang aking mga mata+ at ang aking puso ay tiyak na doroong lagi.+

  • 2 Cronica 7:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Si Jehova ngayon ay nagpakita+ kay Solomon sa gabi at nagsabi sa kaniya: “Narinig ko ang iyong panalangin,+ at pinili+ ko ang dakong ito para sa akin bilang isang bahay na paghahainan.+

  • Awit 122:superskripsiyon-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • Awit ng mga Pagsampa. Ni David.

      122 Ako ay nagsaya nang sabihin nila sa akin:+

      “Pumaroon tayo sa bahay ni Jehova.”+

       2 Ang aming mga paa ay nakatayo+

      Sa loob ng iyong mga pintuang-daan, O Jerusalem.+

       3 Ang Jerusalem ay itinayong tulad ng isang lunsod+

      Na pinagsama-sama sa pagkakaisa,+

       4 Na inaahunan ng mga tribo,+

      Ang mga tribo ni Jah,+

      Bilang paalaala sa Israel+

      Upang magpasalamat sa pangalan ni Jehova.+

       5 Sapagkat doon nakalagay ang mga trono para sa kahatulan,+

      Mga trono para sa sambahayan ni David.+

       6 Humiling kayo ukol sa kapayapaan ng Jerusalem.+

      Yaong mga umiibig sa iyo, O lunsod, ay magiging malaya sa alalahanin.+

       7 Manatili nawa ang kapayapaan sa loob ng iyong muralya,+

      Ang kalayaan sa alalahanin sa loob ng iyong mga tirahang tore.+

       8 Alang-alang sa aking mga kapatid at sa aking mga kasamahan ay magsasalita ako ngayon:+

      “Magkaroon nawa ng kapayapaan sa loob mo.”+

       9 Alang-alang sa bahay ni Jehova na aming Diyos+

      Patuloy kong hahangarin ang iyong ikabubuti.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share