Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 26:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Ang iyong mga patay ay mabubuhay.+ Ang isang bangkay ko—sila ay babangon.+ Gumising kayo at humiyaw nang may kagalakan, kayong mga tumatahan sa alabok!+ Sapagkat ang iyong hamog+ ay gaya ng hamog ng mga malva,+ at maging yaong mga inutil sa kamatayan ay palalaglagin ng lupa upang maipanganak.+

  • Daniel 12:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At marami sa mga natutulog sa lupang alabok ang magigising,+ ang mga ito tungo sa buhay na namamalagi nang walang takda+ at ang mga iyon tungo sa kadustaan at tungo sa pagkamuhi na namamalagi nang walang takda.+

  • Juan 5:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 at lalabas, yaong mga gumawa ng mabubuting bagay tungo sa pagkabuhay-muli sa buhay,+ yaong mga gumawa ng buktot na mga bagay tungo sa pagkabuhay-muli sa paghatol.+

  • Gawa 24:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 at ako ay may pag-asa+ sa Diyos, na siyang pag-asa na pinanghahawakan din ng mga taong ito, na magkakaroon ng pagkabuhay-muli+ kapuwa ng mga matuwid+ at mga di-matuwid.+

  • Hebreo 11:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli;+ ngunit ang ibang mga tao ay pinahirapan sapagkat ayaw nilang tumanggap ng paglaya sa pamamagitan ng anumang pantubos, upang sila ay makapagkamit ng mas mabuting pagkabuhay-muli.

  • Apocalipsis 20:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At nakita ko ang mga patay, ang malalaki at ang maliliit,+ na nakatayo sa harap ng trono, at nabuksan ang mga balumbon. Ngunit may iba pang balumbon na nabuksan; ito ang balumbon ng buhay.+ At ang mga patay ay hinatulan batay sa mga bagay na nakasulat sa mga balumbon ayon sa kanilang mga gawa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share