8 Huwag kayong magkautang sa kaninuman ng anumang bagay,+ maliban sa ibigin ang isa’t isa;+ sapagkat siya na umiibig sa kaniyang kapuwa ay nakatupad na sa kautusan.+
8 Ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo.+ Ngunit kahit may mga kaloob na panghuhula, ang mga ito ay aalisin; kahit may mga wika man, ang mga ito ay maglalaho; kahit may kaalaman man, ito ay aalisin.+
20 Kung sasabihin ng sinuman: “Iniibig ko ang Diyos,” at gayunma’y napopoot sa kaniyang kapatid, siya ay sinungaling.+ Sapagkat siya na hindi umiibig sa kaniyang kapatid,+ na nakita niya, ay hindi makaiibig sa Diyos, na hindi niya nakita.+