16 Sa gayon ay nag-utos ang hari, at dinala nila si Daniel at inihagis ito sa yungib ng mga leon.+ Ang hari ay sumagot at nagsabi kay Daniel: “Ang iyong Diyos na pinaglilingkuran mo nang may katatagan, siya mismo ang magliligtas sa iyo.”+
11 Ngunit nang sumunod na gabi ay tumayo sa tabi niya ang Panginoon+ at nagsabi: “Lakasan mo ang iyong loob!+ Sapagkat kung paanong lubusan mong pinatototohanan+ ang mga bagay tungkol sa akin sa Jerusalem, gayon ka rin magpapatotoo sa Roma.”+