22 Kaya isinugo niya sa Macedonia ang dalawa sa mga naglilingkod sa kaniya, sina Timoteo+ at Erasto,+ ngunit siya mismo ay nagpaiwan nang kaunting panahon sa distrito ng Asia.
17 Iyan ang dahilan kung bakit ko isinusugo sa inyo si Timoteo,+ yamang siya ang aking minamahal at tapat na anak+ sa Panginoon; at ipaaalaala niya sa inyo ang aking mga pamamaraan may kaugnayan kay Kristo Jesus,+ gaya ng itinuturo ko sa lahat ng dako sa bawat kongregasyon.
2 at isinugo namin si Timoteo,+ ang ating kapatid at ministro ng Diyos sa mabuting balita+ tungkol sa Kristo, upang patatagin kayo at aliwin kayo alang-alang sa inyong pananampalataya,