-
Bilang 15:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Ang ilan sa mga unang bunga mula sa inyong harinang magaspang ay ibibigay ninyo bilang abuloy kay Jehova sa lahat ng inyong mga salinlahi.
-
-
Nehemias 10:37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
37 Gayundin, ang mga unang bunga ng aming harinang magaspang+ at ang aming mga abuloy+ at ang mga bunga ng bawat uri ng punungkahoy,+ ang bagong alak+ at ang langis+ ay dadalhin namin sa mga saserdote sa mga bulwagang kainan+ ng bahay ng aming Diyos, gayundin ang ikasampu mula sa aming lupa ay sa mga Levita,+ yamang sila, ang mga Levita, ang siyang tumatanggap ng ikasampu sa lahat ng aming mga sakahang lunsod.
-
-
Ezekiel 44:30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
30 At ang una sa lahat ng mga unang hinog na bunga sa lahat ng bagay at ang bawat abuloy sa lahat ng bagay mula sa lahat ng inyong mga abuloy—iyon ay magiging sa mga saserdote;+ at ang mga unang bunga ng inyong mga harinang magaspang ay ibibigay ninyo sa saserdote,+ upang mapasabahay mo ang isang pagpapala.+
-