17 Iyan ang dahilan kung bakit ko isinusugo sa inyo si Timoteo,+ yamang siya ang aking minamahal at tapat na anak+ sa Panginoon; at ipaaalaala niya sa inyo ang aking mga pamamaraan may kaugnayan kay Kristo Jesus,+ gaya ng itinuturo ko sa lahat ng dako sa bawat kongregasyon.
15 Kaya nga, mga kapatid, tumayo kayong matatag+ at lagi kayong manghawakan sa mga tradisyon+ na itinuro sa inyo, ito man ay sa pamamagitan ng bibigang mensahe o sa pamamagitan ng liham namin.
6 Ngayon ay binibigyan namin kayo ng mga utos,+ mga kapatid, sa pangalan ng Panginoong Jesu-Kristo, na lumayo+ sa bawat kapatid na lumalakad nang walang kaayusan+ at hindi ayon sa tradisyon na inyong tinanggap mula sa amin.+