Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 29:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 “Ang mga bagay na nakakubli+ ay nauukol kay Jehova na ating Diyos, ngunit ang mga bagay na isiniwalat+ ay nauukol sa atin at sa ating mga anak hanggang sa panahong walang takda, upang matupad natin ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.+

  • Mateo 16:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Bilang tugon ay sinabi ni Jesus sa kaniya: “Maligaya ka, Simon na anak ni Jonas, sapagkat hindi ito isiniwalat sa iyo ng laman at dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.+

  • Marcos 4:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At nagpasimula siyang magsabi sa kanila: “Sa inyo ay ibinigay ang sagradong lihim+ ng kaharian ng Diyos, ngunit sa mga nasa labas ang lahat ng mga bagay ay nangyayari sa mga ilustrasyon,+

  • Efeso 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Sa ibang mga salinlahi ang lihim+ na ito ay hindi ipinaalam sa mga anak ng mga tao gaya ng isiniwalat+ na ngayon sa kaniyang banal na mga apostol at mga propeta+ sa pamamagitan ng espiritu,

  • 2 Timoteo 1:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 ngunit ngayon ay malinaw na itong ipinabatid sa pamamagitan ng pagkakahayag+ sa ating Tagapagligtas, si Kristo Jesus, na pumawi sa kamatayan+ ngunit nagpasikat ng liwanag+ sa buhay+ at kawalang-kasiraan+ sa pamamagitan ng mabuting balita,+

  • 1 Pedro 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Isiniwalat sa kanila na, hindi sa kanilang sarili,+ kundi sa inyo, ipinaglilingkod nila ang mga bagay na sa ngayon ay ipinatalastas+ sa inyo sa pamamagitan niyaong mga nagpahayag ng mabuting balita sa inyo taglay ang banal na espiritu+ na ipinadala mula sa langit. Sa mismong mga bagay na ito ay nagnanasang magmasid ang mga anghel.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share