27 Totoo, nalugod silang gawin iyon, gayunma’y may utang sila sa mga ito; sapagkat kung ang mga bansa ay nakibahagi sa kanilang espirituwal na mga bagay,+ may utang din sila na hayagang maglingkod sa mga ito sa pamamagitan ng mga bagay para sa katawang laman.+
14 kundi sa pamamagitan nga ng pagpapantay-pantay ay mapunan ng inyong labis sa ngayon ang kanilang kakulangan, upang mapunan din ng kanilang labis ang inyong kakulangan, nang sa gayon ay magkaroon ng pagpapantay-pantay.+
6 Bukod diyan, ang sinumang bibigang+ tinuturuan ng salita ay magbahagi+ ng lahat ng mabubuting bagay sa isa na nagbibigay ng gayong bibigang pagtuturo.+
18 Gayunman, taglay ko nang lubos ang lahat ng bagay at may kasaganaan. Ako ay punô, ngayon na tinanggap ko na mula kay Epafrodito+ ang mga bagay na mula sa inyo, isang mabangong amoy,+ isang kaayaayang hain,+ na lubhang kalugud-lugod sa Diyos.