6 Ngayon kung nasa kapighatian man kami, ito ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan;+ o kung inaaliw man kami, ito ay para sa inyong kaaliwan na nagpapangyaring mabata ninyo ang gayunding mga pagdurusa na pinagdurusahan din namin.+
17 Gayunpaman, kung ibinubuhos man akong tulad ng isang handog na inumin+ sa ibabaw ng hain+ at pangmadlang paglilingkod kung saan kayo inakay ng pananampalataya,+ ako ay natutuwa at ako ay nakikipagsaya+ sa inyong lahat.
24 Ako ngayon ay nagsasaya sa aking mga pagdurusa para sa inyo,+ at pinupunan ko, sa ganang akin, ang kakulangan ng mga kapighatian+ ng Kristo sa aking laman alang-alang sa kaniyang katawan, na siyang kongregasyon.+
8 Kaya, taglay ang magiliw na pagmamahal sa inyo,+ lubos kaming nalugod na ibahagi sa inyo, hindi lamang ang mabuting balita ng Diyos, kundi gayundin ang aming sariling mga kaluluwa,+ sapagkat napamahal+ kayo sa amin.
17 Maging masunurin kayo doon sa mga nangunguna sa inyo+ at maging mapagpasakop,+ sapagkat patuloy silang nagbabantay sa inyong mga kaluluwa na gaya niyaong mga magsusulit;+ upang gawin nila ito nang may kagalakan at hindi nang may pagbubuntunghininga, sapagkat ito ay makapipinsala sa inyo.+