14 Sa katunayan, sila ay mga kapahayagang kinasihan+ ng mga demonyo at nagsasagawa ng mga tanda,+ at pumaparoon sila sa mga hari+ ng buong tinatahanang lupa,+ upang tipunin sila sa digmaan+ ng dakilang araw+ ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.+
14 Ang mga ito ay makikipagbaka sa Kordero,+ ngunit, dahil sa siya ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari,+ dadaigin sila ng Kordero.+ Gayundin, yaong mga tinawag at pinili at tapat na kasama niya ay mananaig din.”+