-
Genesis 41:22-24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 “Pagkatapos, nakita ko sa panaginip ko na sumibol sa isang tangkay ang pitong malalaki at matatabang uhay.+ 23 Kasunod ng mga iyon ay sumibol ang pitong tuyong uhay na payat at natuyot ng hanging silangan. 24 At nilamon ng payat na mga uhay ang pitong matatabang uhay. Sinabi ko iyon sa mga mahikong saserdote,+ pero walang makapagpaliwanag nito sa akin.”+
-