-
Genesis 41:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Pero natulog siya ulit at nanaginip sa ikalawang pagkakataon. Sumibol sa isang tangkay ang pitong malalaki at matatabang uhay.+ 6 Kasunod ng mga iyon ay sumibol ang pitong uhay na payat at natuyot ng hanging silangan. 7 Nilamon ng payat na mga uhay ang pitong malalaki at matatabang uhay. At nagising ang Paraon, at naisip niyang nananaginip lang pala siya.
-