-
Genesis 28:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 At si Jehova ay nasa itaas nito at nagsabi:
“Ako si Jehova na Diyos ni Abraham na iyong ama at Diyos ni Isaac.+ Ang lupain na hinihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa mga supling* mo.+ 14 At ang mga supling* mo ay tiyak na magiging tulad ng mga butil ng alabok sa lupa,+ at mangangalat sila sa kanluran, silangan, hilaga, at timog, at sa pamamagitan mo at ng mga supling* mo ay tiyak na pagpapalain* ang lahat ng pamilya sa lupa.+
-