-
Genesis 13:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Sinabi ni Jehova kay Abram pagkatapos humiwalay ni Lot sa kaniya: “Pakisuyo, mula sa kinaroroonan mo ay tumingin ka sa paligid mo, sa hilaga, sa timog, sa silangan, at sa kanluran, 15 dahil ang lahat ng lupain na natatanaw mo ay ibibigay ko sa iyo at sa mga supling* mo para maging pag-aari ninyo magpakailanman.+
-
-
Genesis 26:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Manirahan ka bilang dayuhan sa lupaing ito,+ at patuloy akong sasaiyo at pagpapalain kita dahil ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito sa iyo at sa mga supling* mo,+ at tutuparin ko ang isinumpa ko kay Abraham na iyong ama:+ 4 ‘Pararamihin ko ang supling* mo gaya ng mga bituin sa langit;+ at ibibigay ko sa supling* mo ang lahat ng lupaing ito;+ at sa pamamagitan ng iyong supling,* ang lahat ng bansa sa lupa ay makakakuha ng pagpapala para sa sarili nila,’+
-
-
Gawa 7:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Kaya umalis siya sa lupain ng mga Caldeo at tumira sa Haran. Pagkamatay ng ama niya,+ pinalipat siya ng Diyos para tumira sa lupaing ito na tinitirhan ninyo ngayon.+ 5 Pero walang ibinigay na mana sa kaniya ang Diyos—wala, kahit sinlaki lang ng talampakan; pero ipinangako ng Diyos na ang lupaing ito ay ibibigay sa kaniya bilang pag-aari, pati na sa mga supling* niya,+ kahit wala pa siyang anak nang panahong iyon.
-