20 Ginawa agad nina Moises at Aaron ang iniutos ni Jehova. Itinaas ni Aaron ang tungkod at hinampas ang tubig ng Ilog Nilo sa harap ng Paraon at ng mga lingkod nito, at naging dugo ang tubig sa ilog.+
22 Gayunman, ginawa rin iyon ng mga mahikong saserdote ng Ehipto gamit ang lihim na mahika nila,+ kaya patuloy na nagmatigas ang puso ng Paraon, at hindi siya nakinig sa kanila, gaya ng sinabi ni Jehova.+
18 Sinubukan ng mga mahikong saserdote na magpalabas din ng mga niknik gamit ang lihim na mahika nila,+ pero hindi nila nagawa. At ang mga niknik ay naging pahirap sa mga tao at hayop.
11 Nagkaroon ng mga pigsa ang mga mahikong saserdote at ang lahat ng Ehipsiyo, kaya hindi makaharap kay Moises ang mga mahikong saserdote dahil may mga pigsa sila.+