11 Pero ipinatawag ng Paraon ang matatalinong tao at ang mga mangkukulam,* at ginawa rin ng mga mahikong saserdote ng Ehipto+ ang himalang iyon gamit ang mahika* nila.+12 Inihagis nila ang tungkod nila, at naging malalaking ahas ang mga ito; pero nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila.
20 Ginawa agad nina Moises at Aaron ang iniutos ni Jehova. Itinaas ni Aaron ang tungkod at hinampas ang tubig ng Ilog Nilo sa harap ng Paraon at ng mga lingkod nito, at naging dugo ang tubig sa ilog.+
22 Gayunman, ginawa rin iyon ng mga mahikong saserdote ng Ehipto gamit ang lihim na mahika nila,+ kaya patuloy na nagmatigas ang puso ng Paraon, at hindi siya nakinig sa kanila, gaya ng sinabi ni Jehova.+
11 Nagkaroon ng mga pigsa ang mga mahikong saserdote at ang lahat ng Ehipsiyo, kaya hindi makaharap kay Moises ang mga mahikong saserdote dahil may mga pigsa sila.+