15 Kung tutuosin, puwede kong gamitin ang kapangyarihan* ko para padalhan ka at ang bayan mo ng matinding sakit, at nabura ka na sana sa lupa. 16 Pero pinanatili kitang buháy sa dahilang ito: para maipakita ko sa iyo ang kapangyarihan ko at para maipahayag ang pangalan ko sa buong lupa.+
17 Dahil sinasabi sa Kasulatan tungkol sa Paraon: “Pinanatili kitang buháy sa dahilang ito: para maipakita ko ang kapangyarihan ko sa pamamagitan mo at para maipahayag ang pangalan ko sa buong lupa.”+