Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 9:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Kung tutuosin, puwede kong gamitin ang kapangyarihan* ko para padalhan ka at ang bayan mo ng matinding sakit, at nabura ka na sana sa lupa. 16 Pero pinanatili kitang buháy sa dahilang ito: para maipakita ko sa iyo ang kapangyarihan ko at para maipahayag ang pangalan ko sa buong lupa.+

  • Exodo 15:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sino sa mga diyos ang gaya mo, O Jehova?+

      Sino ang gaya mo, na walang katulad sa kabanalan?+

      Ikaw ang dapat katakutan at purihin sa pamamagitan ng mga awit; gumagawa ka ng kamangha-manghang mga bagay.+

  • Exodo 18:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At sinabi ni Jetro: “Purihin si Jehova, na nagligtas sa inyo mula sa Ehipto at sa Paraon at nagligtas sa bayan mula sa kapangyarihan ng Ehipto. 11 Alam ko na ngayon na mas dakila si Jehova kaysa sa lahat ng iba pang diyos,+ dahil sa ginawa niya sa mapagmataas na mga kaaway ng bayan niya.”

  • Josue 2:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Sinabi niya sa kanila: “Alam kong ibibigay sa inyo ni Jehova ang lupain.+ Takot na takot kami sa inyo.+ Ang lahat ng nakatira sa lupain ay pinanghihinaan ng loob dahil sa inyo.+ 10 Narinig namin kung paano tinuyo ni Jehova ang tubig ng Dagat na Pula sa harap ninyo nang lumabas kayo mula sa Ehipto,+ at kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amorita na sina Sihon+ at Og,+ na pinuksa ninyo sa kabilang ibayo* ng Jordan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share