Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 14:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Pero huwag kayong maghimagsik kay Jehova, at huwag kayong matakot sa mga tao sa lupaing iyon,+ dahil madali natin silang matatalo.* Wala nang nagbibigay ng proteksiyon sa kanila, pero sumasaatin si Jehova.+ Huwag kayong matakot sa kanila.”

  • Deuteronomio 20:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sasabihin niya, ‘Makinig kayo, O Israel, malapit na kayong makipagdigma sa mga kaaway ninyo. Huwag kayong panghinaan ng loob. Huwag kayong matakot o masindak o mangatog dahil sa kanila,

  • 2 Cronica 20:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Sinabi niya: “Makinig kayo, Haring Jehosapat at buong Juda at kayong mga taga-Jerusalem! Sinabi ni Jehova sa inyo, ‘Huwag kayong matakot o masindak sa malaking hukbong ito, dahil ang digmaan ay hindi sa inyo, kundi sa Diyos.+

  • 2 Cronica 20:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Hindi ninyo kailangang lumaban sa digmaang ito. Pumunta kayo sa inyong mga puwesto, manatili kayong nakatayo,+ at tingnan ninyo ang pagliligtas ni Jehova sa inyo.*+ O Juda at Jerusalem, huwag kayong matakot o masindak.+ Harapin ninyo sila bukas, at si Jehova ay sasainyo.’”+

  • Awit 27:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Si Jehova ang aking liwanag+ at kaligtasan.

      Kanino ako matatakot?+

      Si Jehova ang moog ng buhay ko.+

      Kanino ako masisindak?

  • Awit 46:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 46 Ang Diyos ang ating kanlungan at lakas,+

      Handa siyang tumulong kapag may mga problema.+

  • Isaias 41:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Huwag kang matakot, dahil kasama mo ako.+

      Huwag kang mag-alala, dahil ako ang Diyos mo.+

      Papatibayin kita, oo, tutulungan kita,+

      Talagang aalalayan kita sa pamamagitan ng matuwid kong kanang kamay.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share