-
Gawa 7:30-34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
30 “Pagkalipas ng 40 taon, isang anghel ang nagpakita sa kaniya sa ilang ng Bundok Sinai sa pamamagitan ng apoy sa nagliliyab na matinik na halaman.*+ 31 Nang makita ito ni Moises, namangha siya rito. Pero habang palapit siya para mag-usisa, narinig niya ang tinig ni Jehova:* 32 ‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob.’+ Nanginig sa takot si Moises, at hindi na siya nag-usisa pa. 33 Sinabi ni Jehova:* ‘Hubarin mo ang sandalyas mo, dahil banal ang lupang kinatatayuan mo. 34 Nakita ko ang pang-aapi sa bayan ko na nasa Ehipto, at narinig ko ang daing nila,+ at bumaba ako para iligtas sila. Kaya ngayon ay isusugo kita sa Ehipto.’
-