-
Exodo 3:2-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Pagkatapos, nagpakita sa kaniya ang anghel ni Jehova bilang isang nagliliyab na apoy sa gitna ng matinik na halaman.*+ Habang tinitingnan niya ito, napansin niyang nagliliyab ang matinik na halaman pero hindi natutupok. 3 Kaya sinabi ni Moises: “Kakaiba ito! Bakit hindi natutupok ang matinik na halaman? Lalapitan ko nga ito.” 4 Nang makita ni Jehova na lumapit siya rito, tinawag siya ng Diyos mula sa matinik na halaman: “Moises! Moises!” Sumagot siya: “Narito ako.” 5 At sinabi ng Diyos: “Hanggang diyan ka na lang. Hubarin mo ang sandalyas mo, dahil banal ang lupang kinatatayuan mo.”
6 Sinabi pa niya: “Ako ang Diyos ng iyong ama, ang Diyos ni Abraham,+ ang Diyos ni Isaac,+ at ang Diyos ni Jacob.”+ At tinakpan ni Moises ang mukha niya, dahil natatakot siyang tumingin sa tunay na Diyos. 7 Idinagdag ni Jehova: “Nakita ko ang paghihirap ng bayan ko na nasa Ehipto, at narinig ko ang pagdaing nila dahil sa mga nagpapatrabaho sa kanila nang puwersahan; alam na alam ko ang hirap na dinaranas nila.+ 8 Bababa ako para iligtas sila mula sa kamay ng mga Ehipsiyo+ at para ilabas sila sa lupaing iyon at dalhin sa isang lupaing mataba at maluwang, isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan,+ ang teritoryo ng mga Canaanita, Hiteo, Amorita, Perizita, Hivita, at Jebusita.+ 9 Oo, nakarating sa akin ang pagdaing ng bayang Israel, at nakita ko rin kung paano sila pinagmamalupitan ng mga Ehipsiyo.+ 10 Kaya ngayon ay isusugo kita sa Paraon, at ilalabas mo sa Ehipto ang bayan kong Israel.”+
-