Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 19:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “‘Huwag kayong kakain ng anumang may dugo.+

      “‘Huwag kayong maghahanap ng mga tanda o magsasagawa ng mahika.+

  • Levitico 20:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “‘Kung maging di-tapat* sa akin ang isang tao dahil humingi siya ng tulong sa mga espiritista+ at sa mga manghuhula,+ itatakwil ko ang* taong iyon at papatayin.+

  • Deuteronomio 18:10-12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Hindi dapat magkaroon sa gitna ninyo ng sinumang nagsusunog ng anak niyang lalaki o babae bilang handog,*+ manghuhula,+ mahiko,+ naghahanap ng tanda,+ mangkukulam,*+ 11 nanggagayuma, kumokonsulta sa espiritista+ o manghuhula,+ o nakikipag-usap sa patay.+ 12 Dahil kasuklam-suklam kay Jehova ang lahat ng gumagawa ng mga ito, at itinataboy sila ng Diyos ninyong si Jehova mula sa harap ninyo dahil sa kasuklam-suklam na mga gawaing ito.

  • 1 Samuel 28:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Patay na ngayon si Samuel. Nagdalamhati sa kaniya ang buong Israel at inilibing nila siya sa Rama, sa sarili niyang lunsod.+ At inalis na ni Saul mula sa lupain ang mga espiritista at mga manghuhula.+

  • Galacia 5:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 idolatriya, espiritismo,*+ alitan, pag-aaway, selos,* pagsiklab ng galit, pagtatalo, pagkakabaha-bahagi, sekta,

  • Apocalipsis 22:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Nasa labas ang mga aso* at ang mga nagsasagawa ng espiritismo at ang mga namimihasa sa* seksuwal na imoralidad* at ang mga mamamatay-tao at ang mga sumasamba sa idolo at ang lahat ng mahilig magsinungaling at laging nagsisinungaling.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share