Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 29:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 “Ito ang gagawin mo para mapabanal sila at makapaglingkod sa akin bilang mga saserdote: Kumuha ka ng isang batang toro,* dalawang lalaking tupa na walang depekto,+ 2 tinapay na walang pampaalsa, hugis-singsing na mga tinapay na walang pampaalsa at hinaluan ng langis, at maninipis na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis.+ Magandang klase ng harinang trigo ang gagamitin mo sa paggawa ng mga iyon,

  • Exodo 29:40, 41
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 40 Isasama sa unang batang lalaking tupa ang ikasampung bahagi ng isang takal na epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng sangkapat na hin* ng langis mula sa napigang olibo, gayundin ang handog na inumin na sangkapat na hin ng alak. 41 Ihahandog mo ang ikalawang batang lalaking tupa sa takipsilim,* kasama ang handog na mga butil at inumin na katulad ng inihahandog sa umaga. Iaalay mo iyon bilang isang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova, isang nakagiginhawang amoy.

  • Levitico 2:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “‘At kung may sinumang maghahandog kay Jehova ng handog na mga butil,+ dapat na magandang klase ng harina ang handog niya, at bubuhusan niya ito ng langis at lalagyan ng olibano.+

  • Levitico 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sumunod niyang inialay ang handog na mga butil;+ kumuha siya ng sandakot nito at pinausok iyon sa ibabaw ng altar, kasama ng handog na sinusunog sa umaga.+

  • Bilang 28:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ang isang lalaking kordero ay ihahandog mo sa umaga, at ang isa pang lalaking kordero ay ihahandog mo sa takipsilim,*+ 5 kasama ang ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng sangkapat na hin* ng langis mula sa napigang olibo bilang handog na mga butil.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share