Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 2:3-7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ang matitira sa handog na mga butil ay mapupunta kay Aaron at sa mga anak niya;+ iyon ay kabanal-banalang bagay+ mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.

      4 “‘Kung mag-aalay ka ng handog na mga butil na niluto sa pugon, dapat na gawa ito sa magandang klase ng harina—hugis-singsing na mga tinapay na walang pampaalsa na hinaluan ng langis o maninipis na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis.+

      5 “‘Kung mag-aalay ka ng handog na mga butil na inihanda sa malapad na lutuan,+ dapat na gawa ito sa magandang klase ng harina na walang pampaalsa at hinaluan ng langis. 6 Dapat itong pagpira-pirasuhin, at bubuhusan mo ito ng langis.+ Ito ay handog na mga butil.

      7 “‘Kung mag-aalay ka ng handog na mga butil na niluto sa kawali, dapat na gawa ito sa magandang klase ng harina na may langis.

  • Bilang 18:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Para sa iyo ang mga bahagi ng mga kabanal-banalang handog na kinuha mula sa mga handog na pinaraan sa apoy: bawat handog na dinadala nila sa akin, pati ang kanilang handog na mga butil,+ handog para sa kasalanan,+ at handog para sa pagkakasala.+ Ito ay kabanal-banalang bagay para sa iyo at sa iyong mga anak.

  • 1 Corinto 9:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Hindi ba ninyo alam na ang mga lalaking gumaganap ng sagradong mga atas ay kumakain ng mga bagay na mula sa templo, at ang mga regular na naglilingkod sa altar ay may parte sa mga bagay na inihahandog sa altar?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share