-
Levitico 7:1-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 “‘Ito ang kautusan tungkol sa handog para sa pagkakasala:+ Iyon ay kabanal-banalang bagay. 2 Papatayin nila ang handog para sa pagkakasala kung saan nila pinapatay ang handog na sinusunog, at ang dugo nito+ ay dapat iwisik sa lahat ng panig ng altar.+ 3 Ihahandog niya ang lahat ng taba nito:+ ang matabang buntot, ang taba na nakapalibot sa mga bituka, 4 at ang dalawang bato pati ang taba ng mga iyon na malapit sa balakang. Kukunin din niya ang lamad* sa atay kasama ng mga bato.+
-