45 Dahil maging ang Anak ng tao ay dumating, hindi para paglingkuran, kundi para maglingkod+ at ibigay ang buhay* niya bilang pantubos na kapalit ng marami.”+
9 Pero si Jesus ay nakikita nating kinoronahan na ngayon ng kaluwalhatian at karangalan dahil sa pagdurusa hanggang kamatayan;+ ginawa siya noong mas mababa nang kaunti sa mga anghel,+ para sa pamamagitan ng walang-kapantay* na kabaitan ng Diyos ay matikman niya ang kamatayan para sa bawat tao.+
27 Di-gaya ng matataas na saserdoteng iyon, hindi niya kailangang mag-alay ng mga handog araw-araw,+ una ay para sa sarili niyang mga kasalanan at pagkatapos ay para sa bayan,+ dahil inihandog niya ang sarili niya nang minsanan at walang hanggan ang bisa nito.+
7 pero ang mataas na saserdote lang ang pumapasok sa ikalawang silid minsan sa isang taon,+ na laging may dalang dugo,+ na inihahandog niya para sa sarili niya+ at para sa mga kasalanang nagawa ng bayan+ nang di-sinasadya.
12 Pumasok siya sa banal na lugar para iharap, hindi ang dugo ng mga kambing at ng mga batang toro,* kundi ang sarili niyang dugo,+ at ginawa niya ito nang minsanan; at dahil sa kaniya, nagkaroon tayo ng walang-hanggang kaligtasan.*+