Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 103:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kung gaano kalayo ang sikatan ng araw sa lubugan ng araw,

      Gayon niya inilalayo sa atin ang mga kasalanan natin.+

  • Isaias 53:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Dahil diyan, bibigyan ko siya ng bahagi kasama ng marami,

      At ibabahagi niya ang samsam sa mga makapangyarihan,

      Dahil ibinuhos niya ang sarili niya hanggang sa kamatayan+

      At itinuring na isa sa mga makasalanan;+

      Dinala niya ang kasalanan ng maraming tao,+

      At namagitan siya para sa mga makasalanan.+

  • Efeso 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ayon sa kasaganaan* ng walang-kapantay* na kabaitan ng Diyos, nailaan ang pantubos sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang anak+ at nabuksan ang daan para mapalaya tayo, oo, napatawad ang ating mga kasalanan.+

  • Hebreo 9:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 ang Kristo ay inihandog din nang minsanan para dalhin ang kasalanan ng marami;+ at sa ikalawang pagkakataon na magpapakita siya, iyon ay hindi dahil sa kasalanan, at makikita siya ng mga taimtim na naghahanap sa kaniya para sa kaligtasan nila.+

  • Hebreo 13:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kaya si Jesus ay nagdusa rin sa labas ng pintuang-daan ng lunsod+ para mapabanal ang bayan sa pamamagitan ng sarili niyang dugo.+

  • 1 Pedro 2:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Siya ang nagdala ng mga kasalanan natin+ sa sarili niyang katawan sa tulos,*+ para tayo ay mamatay* na sa mga kasalanan at mabuhay sa katuwiran. At “sa pamamagitan ng mga sugat niya ay gumaling kayo.”+

  • 1 Juan 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Alam din ninyo na dumating siya para alisin ang mga kasalanan natin,+ at siya ay walang kasalanan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share