25 Iniharap siya ng Diyos bilang handog na magsisilbing pampalubag-loob*+ sa pamamagitan ng pananampalataya sa dugo niya.+ Ginawa ito ng Diyos para ipakita ang katuwiran niya, dahil pinatawad niya ang mga kasalanan noon habang nagtitimpi siya.
9 At dahil ipinahayag na tayong matuwid sa bisa ng kaniyang dugo,+ mas makakatiyak tayo na makaliligtas tayo sa pamamagitan niya mula sa poot ng Diyos.+
7 Ayon sa kasaganaan* ng walang-kapantay* na kabaitan ng Diyos, nailaan ang pantubos sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang anak+ at nabuksan ang daan para mapalaya tayo, oo, napatawad ang ating mga kasalanan.+
7 Gayunman, kung lumalakad tayo sa liwanag gaya niya na nasa liwanag, nagkakaisa nga tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak mula sa lahat ng kasalanan.+