-
Deuteronomio 20:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Dapat ninyo silang puksain, ang mga Hiteo, Amorita, Canaanita, Perizita, Hivita, at Jebusita,+ gaya ng iniutos sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova; 18 para hindi nila maituro sa inyo ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginagawa nila para sa kanilang mga diyos, at dahil doon ay magkasala kayo sa Diyos ninyong si Jehova.+
-
-
2 Hari 16:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Si Ahaz ay 20 taóng gulang nang maging hari, at 16 na taon siyang namahala sa Jerusalem. Hindi niya ginawa ang tama sa paningin ni Jehova na kaniyang Diyos; hindi niya tinularan ang ninuno niyang si David.+ 3 Sa halip, tinularan niya ang mga hari ng Israel,+ at sinunog pa nga niya* ang sarili niyang anak bilang handog;+ tinularan niya ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga bansang+ itinaboy ni Jehova mula sa harap ng mga Israelita.
-