Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 34:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Bantayan mo ang iyong sarili nang hindi ka makipagtipan sa mga nakatira sa lupain, dahil kapag nakikiapid* sila sa mga diyos nila at naghahain sa mga ito,+ may mag-aanyaya sa iyo at kakain ka ng hain niya.+

  • Deuteronomio 7:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Dahil itatalikod nila sa akin ang inyong mga anak at maglilingkod ang mga ito sa ibang mga diyos;+ at lalagablab ang galit ni Jehova at agad kayong lilipulin.+

  • Josue 23:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Pero kung tatalikod kayo sa Diyos at makikiisa sa mga bansang naninirahan pang kasama ninyo,+ mag-aasawa ng sinuman mula sa kanila,+ at makikipagkaibigan sa kanila, 13 makakatiyak kayong hindi na itataboy ni Jehova na inyong Diyos ang mga bansang ito* para sa inyo.+ Sila ay magiging bitag at silo sa inyo at hagupit sa mga tagiliran ninyo+ at tinik sa mga mata ninyo hanggang sa malipol kayo mula sa magandang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.

  • Isaias 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Pinabayaan mo ang iyong bayan, ang sambahayan ni Jacob,+

      Dahil napuno sila ng mga bagay mula sa Silangan;

      Nagsasagawa sila ng mahika+ gaya ng mga Filisteo,

      At marami silang mga anak ng banyaga.

  • 1 Corinto 5:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Hindi kayo dapat magmalaki. Hindi ba ninyo alam na ang kaunting lebadura* ay nagpapaalsa sa buong masa?+

  • 1 Corinto 15:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Huwag kayong magpalinlang.* Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share