-
Levitico 11:46, 47Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
46 “‘Ito ang kautusan tungkol sa mga hayop, sa lumilipad na mga nilalang, sa lahat ng buháy na nilalang* na gumagalaw sa tubig, at sa lahat ng buháy na nilalang* na nagkukulumpon sa lupa, 47 para maipakita ang pagkakaiba ng marumi at malinis at ng buháy na nilalang na puwedeng kainin at hindi puwedeng kainin.’”+
-
-
Deuteronomio 14:4-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Ito ang mga hayop na puwede ninyong kainin:+ toro, tupa, kambing, 5 usa, gasela, maliit na usa, mailap na kambing, antilope, mailap na tupa, at tupang-bundok. 6 Puwede ninyong kainin ang anumang hayop na may biyak ang paa at may puwang sa pagitan ng biyak at ngumunguya ulit ng nakain na nito. 7 Pero sa mga hayop na ngumunguya ulit ng nakain na nito o may biyak ang paa, huwag ninyong kakainin ang mga ito: kamelyo, kuneho, at kuneho sa batuhan, dahil nginunguya ulit ng mga ito ang nakain na pero walang biyak ang paa ng mga ito. Marumi ang mga ito para sa inyo.+ 8 Pati ang baboy, dahil may biyak ang paa nito pero hindi nginunguya ulit ang nakain na nito. Marumi ito para sa inyo. Huwag ninyong kakainin ang karne nito o hihipuin ito kapag patay na.
9 “Ito ang puwede ninyong kainin sa lahat ng nasa tubig: lahat ng may palikpik at kaliskis.+ 10 Pero huwag ninyong kakainin ang walang palikpik at kaliskis. Marumi ito para sa inyo.
11 “Puwede ninyong kainin ang anumang malinis na ibon. 12 Pero ito ang mga hindi ninyo puwedeng kainin: agila, lawing-dagat, itim na buwitre,+ 13 pulang lawin, itim na lawin, lahat ng uri ng lawing mandaragit, 14 lahat ng uri ng uwak, 15 avestruz,* kuwago, gaviota,* lahat ng uri ng halkon,* 16 maliit na kuwago, kuwagong may mahabang tainga, sisne,* 17 pelikano, buwitre, kormoran, 18 siguana,* lahat ng uri ng tagak,* abubilya, at paniki. 19 Marumi rin para sa inyo ang lahat ng may-pakpak na nilalang na nagkukulumpon.* Hindi dapat kainin ang mga iyon. 20 Puwede ninyong kainin ang lahat ng malilinis na lumilipad na nilalang.
-