-
Levitico 24:8, 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Palagi niyang aayusin iyon sa harap ni Jehova sa bawat araw ng Sabbath.+ Ito ay isang tipan sa mga Israelita hanggang sa panahong walang takda. 9 Mapupunta iyon kay Aaron at sa mga anak niya,+ at kakainin nila iyon sa isang banal na lugar,+ dahil iyon ay kabanal-banalang bagay para sa kaniya mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy; ito ay isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda.”
-
-
Bilang 18:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Para sa iyo ang mga bahagi ng mga kabanal-banalang handog na kinuha mula sa mga handog na pinaraan sa apoy: bawat handog na dinadala nila sa akin, pati ang kanilang handog na mga butil,+ handog para sa kasalanan,+ at handog para sa pagkakasala.+ Ito ay kabanal-banalang bagay para sa iyo at sa iyong mga anak.
-