Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 21:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Puwede niyang kainin ang tinapay ng kaniyang Diyos na mula sa mga kabanal-banalang bagay+ at mula sa mga banal na bagay.+

  • Levitico 22:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “‘Walang ibang* puwedeng kumain ng anumang bagay na banal.+ Walang dayuhang bisita ng saserdote o upahang trabahador ang makakakain ng anumang bagay na banal.

  • 1 Samuel 21:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Pero sinabi ng saserdote kay David: “Walang pangkaraniwang tinapay ngayon, pero may banal na tinapay.+ Puwedeng kainin iyon ng mga tauhan mo kung nanatili silang hiwalay sa mga babae.”*+

  • 1 Samuel 21:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Kaya ibinigay sa kaniya ng saserdote ang banal na tinapay,+ dahil walang ibang tinapay roon maliban sa tinapay na pantanghal, na inalis na sa harap ni Jehova at kailangang palitan ng bagong tinapay sa araw na kunin iyon.

  • Mateo 12:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 4 Hindi ba pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain nila ang mga tinapay na panghandog,*+ na hindi niya puwedeng kainin o ng mga kasama niya, dahil para lang iyon sa mga saserdote?+

  • Lucas 6:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Pero sinabi ni Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos, tinanggap ang mga tinapay na panghandog,* kinain ang mga iyon, at binigyan din niya ang mga lalaking kasama niya. Hindi iyon puwedeng kainin ng sinuman dahil para lang iyon sa mga saserdote.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share