Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 24:7-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Lagyan mo ng purong olibano ang ibabaw ng bawat salansan, at magsisilbi itong alaalang handog* para sa tinapay,+ isang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. 8 Palagi niyang aayusin iyon sa harap ni Jehova sa bawat araw ng Sabbath.+ Ito ay isang tipan sa mga Israelita hanggang sa panahong walang takda. 9 Mapupunta iyon kay Aaron at sa mga anak niya,+ at kakainin nila iyon sa isang banal na lugar,+ dahil iyon ay kabanal-banalang bagay para sa kaniya mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy; ito ay isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda.”

  • Marcos 2:25, 26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Pero sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang wala siyang makain at magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 26 Sa ulat tungkol sa punong saserdoteng si Abiatar,+ pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang mga tinapay na panghandog,* na hindi puwedeng kainin ng sinuman maliban sa mga saserdote.+ Binigyan din niya nito ang mga lalaking kasama niya.”

  • Lucas 6:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Pero sinabi ni Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos, tinanggap ang mga tinapay na panghandog,* kinain ang mga iyon, at binigyan din niya ang mga lalaking kasama niya. Hindi iyon puwedeng kainin ng sinuman dahil para lang iyon sa mga saserdote.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share