-
Levitico 3:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Ihaharap niya kay Jehova ang mga bahaging ito ng haing pansalo-salo bilang handog na pinaraan sa apoy:+ ang taba+ na nakapalibot sa mga bituka, ang lahat ng taba na bumabalot sa mga bituka, 4 at ang dalawang bato pati ang taba ng mga iyon na malapit sa balakang. Kukunin din niya ang lamad* sa atay kasama ng mga bato.+ 5 Susunugin iyon ng mga anak ni Aaron sa altar, sa ibabaw ng handog na sinusunog na nakapatong sa kahoy na nasa ibabaw ng mga baga, para pumailanlang ang usok;+ iyon ay handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+
-