Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 29:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Pagkatapos, kunin mo ang lahat ng taba+ na nakapalibot sa mga bituka, ang lamad* ng atay, at ang dalawang bato at ang taba ng mga ito, at sunugin mo ang mga iyon para pumailanlang mula sa altar ang usok.+ 14 Pero ang karne, balat, at dumi ng toro ay susunugin mo sa labas ng kampo. Iyon ay handog para sa kasalanan.

  • Levitico 3:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ihaharap niya kay Jehova ang mga bahaging ito ng haing pansalo-salo bilang handog na pinaraan sa apoy:+ ang taba+ na nakapalibot sa mga bituka, ang lahat ng taba na bumabalot sa mga bituka, 4 at ang dalawang bato pati ang taba ng mga iyon na malapit sa balakang. Kukunin din niya ang lamad* sa atay kasama ng mga bato.+

  • Levitico 6:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Pananatilihing nagniningas ang apoy sa altar. Hindi ito dapat mamatay. Dapat magsunog doon ng kahoy ang saserdote+ tuwing umaga at aayusin niya ang handog na sinusunog sa ibabaw nito, at susunugin niya ang taba ng mga haing pansalo-salo para pumailanlang ang usok.+

  • Levitico 9:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Lumapit agad si Aaron sa altar at pinatay ang guya bilang handog para sa kasalanan niya.+

  • Levitico 9:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sinunog niya ang taba, ang mga bato, at ang lamad* ng atay na mula sa handog para sa kasalanan para pumailanlang mula sa altar ang usok, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share