-
Josue 17:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Pero si Zelopehad+ na anak ni Heper, na anak ni Gilead, na anak ni Makir, na anak ni Manases, ay walang anak na lalaki, kundi mga anak na babae lang, at ito ang mga pangalan nila: Maala, Noa, Hogla, Milca, at Tirza. 4 Kaya pumunta sila kay Eleazar+ na saserdote, kay Josue na anak ni Nun, at sa mga pinuno at nagsabi: “Si Jehova ang nag-utos kay Moises na bigyan kami ng mana gaya ng mga kamag-anak naming lalaki.”+ Kaya sa utos ni Jehova, binigyan niya sila ng mana gaya ng mga kapatid ng kanilang ama.+
-