-
Bilang 27:1-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 At lumapit ang mga anak na babae ni Zelopehad,+ na anak ni Heper, na anak ni Gilead, na anak ni Makir, na anak ni Manases, na mula sa mga pamilya ni Manases na anak ni Jose. Ang mga anak niya ay sina Maala, Noa, Hogla, Milca, at Tirza. 2 Humarap sila kay Moises, kay Eleazar na saserdote, sa mga pinuno,+ at sa buong kapulungan sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at sinabi nila: 3 “Namatay ang ama namin sa ilang, pero hindi siya kasama sa grupong nagrebelde kay Jehova, ang mga tagasuporta ni Kora;+ namatay siya dahil sa sarili niyang kasalanan at wala siyang mga anak na lalaki. 4 Bakit mawawala ang pangalan ng ama namin mula sa pamilya niya dahil lang sa wala siyang anak na lalaki? Bigyan ninyo kami ng pag-aari kasama ng mga kapatid ng ama namin.” 5 Kaya dinala ni Moises ang usapin nila sa harap ni Jehova.+
6 Sinabi ni Jehova kay Moises: 7 “Tama ang mga anak na babae ni Zelopehad. Dapat mo nga silang bigyan ng pag-aari bilang mana nila kasama ng mga kapatid ng kanilang ama, at ibigay mo sa kanila ang mana ng ama nila.+
-