-
Deuteronomio 3:19, 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Ang maiiwan lang para tumira sa mga lunsod na ibinigay ko sa inyo ay ang inyong mga asawa, anak, at alagang hayop (alam kong napakarami ninyong alagang hayop), 20 hanggang sa bigyan ni Jehova ng kapahingahan ang mga kapatid ninyo, gaya ng ginawa niya para sa inyo, at makuha rin nila ang lupain sa kabila ng Jordan na ibibigay sa kanila ng Diyos ninyong si Jehova. Pagkatapos, babalik kayo sa pag-aaring ibinigay ko sa inyo.’+
-
-
Josue 1:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Ang inyong mga asawa, mga anak, at mga alagang hayop ay titira sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa panig* na ito ng Jordan;+ pero lahat kayong malalakas na mandirigma+ ay tatawid na nakahanay gaya ng isang hukbo sa unahan ng inyong mga kapatid.+ Tutulungan ninyo sila 15 hanggang sa bigyan ni Jehova ng kapahingahan ang mga kapatid ninyo, gaya ng ibinigay niya sa inyo, at makuha rin nila ang lupaing ibibigay sa kanila ni Jehova na inyong Diyos. Pagkatapos, bumalik kayo sa lupaing ibinigay sa inyo para tirhan at ariin ninyo iyon, ang lupain sa silangan ng Jordan na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova.’”+
-