Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Dadalhin mo sa bahay ni Jehova na iyong Diyos ang pinakamainam sa mga unang hinog na bunga ng iyong lupa.+

      “Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng ina nito.+

  • Levitico 2:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “‘Kung mag-aalay ka kay Jehova ng handog na mga butil mula sa mga unang hinog na bunga, dapat kang maghandog ng sariwang mga butil* na binusa at dinurog. Ito ang handog na mga butil mula sa iyong mga unang hinog na bunga.+

  • Bilang 18:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Ako mismo ang nag-aatas sa iyo sa pag-iingat ng mga abuloy para sa akin.+ Ibinibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak bilang permanenteng paglalaan ang isang bahagi ng lahat ng banal na bagay na iniabuloy ng mga Israelita.+

  • Bilang 18:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Ibinibigay ko sa iyo ang lahat ng pinakamainam na langis at lahat ng pinakamainam na bagong alak at butil, ang mga unang bunga nila,+ na ibinibigay nila kay Jehova.+

  • Deuteronomio 26:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “Kapag pumasok ka na sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos bilang mana at nakuha mo na ito at nakatira ka na rito, 2 kumuha ka ng mga unang bunga mula sa lahat ng ani, na titipunin mo mula sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos; ilagay mo sa basket ang mga iyon at dalhin sa lugar na pinili ni Jehova na iyong Diyos para sa kaluwalhatian ng pangalan niya.+

  • Kawikaan 3:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  9 Parangalan mo si Jehova sa pamamagitan ng iyong mahahalagang pag-aari,+

      Ng mga unang bunga ng* lahat ng iyong ani;*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share