Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 26:62, 63
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 62 Ang lahat ng nairehistro ay 23,000, lahat ng lalaki mula isang buwang gulang pataas.+ Hindi sila inirehistrong kasama ng mga Israelita+ dahil walang manang ibibigay sa kanila sa gitna ng mga Israelita.+

      63 Ito ang mga inirehistro ni Moises at ni Eleazar na saserdote nang irehistro nila ang mga Israelita sa mga tigang na kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.

  • Deuteronomio 10:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Kaya hindi binigyan ng bahagi o mana ang mga Levita, di-gaya ng mga kapatid nila. Si Jehova ang kanilang mana, gaya ng sinabi sa kanila ng Diyos ninyong si Jehova.+

  • Deuteronomio 14:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 At huwag ninyong pababayaan ang mga Levita na nasa mga lunsod ninyo+ dahil hindi sila binigyan ng bahagi o mana, hindi gaya ninyo.+

  • Josue 14:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ibinigay na ni Moises ang mana ng dalawa at kalahating tribo sa kabilang ibayo* ng Jordan,+ pero ang mga Levita ay hindi niya binigyan ng lupain bilang mana.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share