20 Sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Hindi ka magkakaroon ng mana sa lupain nila, at hindi ka magkakaroon ng bahagi sa lupain nila.+ Ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga Israelita.+
24 Dahil ibinibigay ko sa mga Levita bilang mana ang ikasampung bahagi na iniabuloy ng bayan ng Israel kay Jehova. Kaya sinabi ko, ‘Hindi sila puwedeng magkaroon ng lupain sa gitna ng mga Israelita bilang mana.’”+
18“Ang mga saserdoteng Levita, sa katunayan ang buong tribo ni Levi, ay hindi bibigyan ng bahagi o mana sa Israel. Kakainin nila ang mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, na kaniyang mana.+