-
Bilang 13:26, 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 Bumalik sila kina Moises at Aaron at sa buong bayan ng Israel na nasa ilang ng Paran, sa Kades.+ Nag-ulat sila sa buong bayan at ipinakita nila ang mga bunga ng lupain. 27 Ito ang iniulat nila kay Moises: “Pumasok kami sa lupain kung saan mo kami isinugo, at talaga ngang inaagusan iyon ng gatas at pulot-pukyutan,+ at ito ang mga bunga mula roon.+
-