Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 30:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 “Kapag nangyari sa inyo ang lahat ng salitang ito, ang pagpapala at ang sumpa na iniharap ko sa inyo,+ at naalaala ninyo ang mga ito+ kapag naroon na kayo sa mga bansa kung saan kayo pinangalat ng Diyos ninyong si Jehova,+ 2 at kayo at ang mga anak ninyo ay nanumbalik sa Diyos ninyong si Jehova+ at nakinig sa tinig niya at sumunod nang buong puso at kaluluwa sa lahat ng iniuutos ko sa inyo ngayon,+ 3 ibabalik ng Diyos ninyong si Jehova ang mga nabihag sa inyo+ at magpapakita siya ng awa+ at muli kayong titipunin mula sa lahat ng bayan kung saan kayo pinangalat ng Diyos ninyong si Jehova.+

  • Deuteronomio 30:8-10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “Kaya manunumbalik kayo at makikinig sa tinig ni Jehova at susunod sa lahat ng utos niya, na ibinibigay ko sa inyo ngayon. 9 Sagana kayong pagpapalain ng Diyos ninyong si Jehova sa lahat ng gagawin ninyo+—pararamihin niya ang inyong mga anak, alagang hayop, at ani sa lupain—dahil muling matutuwa sa inyo si Jehova at gagawan kayo ng mabuti, gaya ng nadama niya para sa inyong mga ninuno.+ 10 Dahil sa panahong iyon ay makikinig na kayo sa tinig ng Diyos ninyong si Jehova at susunod sa mga utos at batas niya na nakasulat sa aklat na ito ng Kautusan, at manunumbalik kayo sa Diyos ninyong si Jehova nang inyong buong puso at kaluluwa.+

  • 1 Hari 8:48, 49
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 48 at manumbalik sila sa iyo nang kanilang buong puso+ at buong kaluluwa sa lupain ng kanilang mga kaaway na bumihag sa kanila, at manalangin sila sa iyo nang nakaharap sa kanilang lupain na ibinigay mo sa kanilang mga ninuno at sa lunsod na pinili mo at sa bahay na itinayo ko para sa pangalan mo,+ 49 pakinggan mo nawa mula sa langit, na iyong tirahan,+ ang panalangin at kahilingan nila, at bigyan mo sila ng katarungan

  • Jeremias 29:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “‘Hahanapin ninyo ako at makikita ninyo ako,+ dahil buong puso ninyo akong hahanapin.+

  • Joel 2:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Gayunpaman,” ang sabi ni Jehova, “manumbalik kayo ngayon sa akin nang buong puso,+

      At mag-ayuno kayo,+ tumangis, at humagulgol.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share